Comelec makikipag-ugnayan na rin sa BSP para sa pinalakas na kampanya kontra vote buying
Mas magiging agresibo na ang Commission on Elections sa kanilang kampanya para labanan ang vote buying at selling.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maglalabas sila ng resolusyon na pinapayagan na ang mga pulis o militar na mang-aresto ng mga mapapatunayang sangkot sa pamimili o bentahan ng boto kahit umiiral ang election period.
Hung huli sa akto ng pagbebenta o pagbili ng boto pwede rin silang arestuhin kahit na walang warrant.
Tiniyak naman ni Garcia na handa sila sa Comelec na humarap sakaling may kumuwestiyon nito sa Korte Suprema.
Pero sa ngayon, isinasapinal pa ng Comelec ang magiging guidelines lalo at tinitingnan rin nila ang posibilidad na maisama maging ang mga gumagamit ng digital wallet para sa vote buying.
Bahagi ito ng preparasyon ng Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre.
Madelyn Moratillo