Comelec may babala sa mga nagkakalat ng impormasyon na mandadaya sila sa eleksyon
Binalaan ng Commission on Elections ang publiko laban sa sa pag-aakusa na may pinapanigan sila o mandadaya sa darating na halalan.
Babala ni Comelec Commissioner Rey Bulay, pwede nilang atasan ang Armed Forces of the Philippines na hanapin at hulihin ang mga ito upang mapanagot sa batas.
Una rito naglabas ng pahayag ang ilang Commissioner ng Comelec kung saan hindi nila nagustuhan ang panawagan ng Asian Institute of Management o AIM Alumni for Leni na maging non partisan ang Comelec ngayong Mayo 9 elections.
Sa statement iginiit ni Commissioner Socorro Inting na constitutional mandate ng Comelec at lahat ng kanilang deputized government agencies na tiyakin ang free, orderly, honest, peaceful at credible election.
Ang ganitong pahayag aniya ay maaaring magtanim ng pagdududa sa publiko hinggil sa integridad ng Comelec .
Mistula din aniya itong pagkondisyon sa isipan ng mga Filipino na hindi magiging credible ang halalan kapag natalo si Robredo sa Presidential race.
Madelyn Villar- Moratillo