COMELEC nagbigay ng isang milyong pisong donasyon para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City
Nagbigay ng isang milyong pisong donasyon ang Comelec para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City.
Personal na iniabot ni Comelec Chairman Andres Bautista ang tseke na nagkakahalaga ng one million pesos kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa isang seremonya sa Comelec headquarters sa Intramuros.
Sinabi ni Taguiwalo, ito ang unang pagkakataon na ang isang tanggapan na mula sa gobyerno ay nagbigay sa kanila ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng krisis sa Marawi City.
Ayon naman kay Bautista, nauna na ring naipagkaloob sa mga kawani ng Comelec na apektado ng bakbakan ang nakalap nilang 1-milyong piso mula sa kontribusyon ng kanilang mga opisyal at empleyado.
Naihatid na rin aniya sa mga apektadong residente at kawani ng Comelec sa Iligan at Cagayan de Oro ang 100 kahon ng mga gamot na donasyon naman ng isang pribadong kumpanya ng gamot.
Ulat ni: Moira Encina