COMELEC , naglabas ng bagong calendar of activities para sa BSKE
Inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang inamyendahang calendar of activities para sa Barangay at Kabataang Elections (BSKE) sa Oktubre.
Sa bagong calendar of activities ng COMELEC, ang election period at gun ban ay mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.
Mula sa dating Hulyo 3 hanggang 7, Itinakda ng COMELEC ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.
Ayon sa Comelec, mula Setyembre 3 hanggang Oktubre 18 ay bawal mangampanya.
Itinakda naman ang Campaign Period sa Oktubre 19 hanggang 28.
Paalala ng poll body, mula Oktubre 29 o bisperas ng halalan hanggang 30 mismong araw ng eleksyon, bawal ng mangampanya at paiiralin na rin ang liquor ban.
Ayon sa Comelec, ang halalan ay magsisimula ng 7am at tatagal hanggang 3pm.
Itinakda naman sa Nobyembre 29 ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) para sa lahat ng kumandidato sa BSKE.
Madelyn Moratillo