COMELEC, nagpaalala sa mga kandidato na huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols
Sa gitna ng kabi-kabilang Campaign sorties na ginagawa ng mga kandidato sa National position sa May 9 elections, patuloy ang paalala ng Commission on Elections sa mga kandidato na tiyakin ang kaligtasan ng bawat dumadalo rito.
Giit ni Comelec Spokesperson James Jimenez, sa lahat ng pagkakataon, dapat ay suot ang face mask.
Sa venue naman, dapat tiyaking napapanatili ang physical distancing.
Una rito, sinabi ng COMELEC na imomonitor nila ang campaign sorties ng mga kandidato para makita kung may lumalabag sa minimum health and safety protocols.
Kahapon, pinuna ng lokal na pamahalaan ng Quezon city ang ginawang pink sunday rally ng mga supporter ni Vice President Leni Robredo dahil sa paglabag sa health protocol.
Sa mga larawan sa nasabing event, makikita ang siksikan ng mga tao na isang paglabag sa physical distancing rules bilang pag-iingat sa COVID-19.
Wala pa namang direktang naging pahayag rito ang COMELEC.
Madz Moratillo