Comelec nagsagawa na ng mancomm meeting para talakayin kung palalawigin ang voter registration
Inaasahang palalawigin ng Comission on Elections ang voter registration na nakatakda sanang matapos sa Setyembre 30.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bukas ay nakatakdang talakayin ng Comelec en banc ang pagpapalawig sa voter registration.
Kahapon nagkaroon ng konsultasyon ang poll body sa kanilang field officials kung saan kasama sa pinag-usapan ay ang mga posibleng senaryo sakaling palawigin ang voter registration.
Ang hakbang ng Comelec na palawigin ang panahon ng pagpaparehistro ay kasunod narin ng public clamor.
Nagpasalamat naman si Senador Imee Marcos sa Comelec dahil sa pagpapalawig sa voter registration.
Ayon kay Marcos, batay sa impormasyon na ibinigay sa kanya ni Comelec Director Teopisto Elnas Jr. bukas ay magpapasa ng resolusyon ang Commission en banc para sa pagpapalawig ng registration hanggang sa Oktubre 31.
Wala pa namang kumpirmasyon mula sa Comelec kung hanggang kailan ang magiging extension ng voter registration.
Madz Moratillo