Comelec, nagtakda na ng petsa ng final sealing and testing
Itinakda na ng Commission on Elections sa Mayo 2 hanggang 7 ang final testing at sealing ng mga vote counting machines para sa May 9 elections.
Kaugnay nito, hinikayat ni Comelec Commissioner George Garcia ang publiko at kinatawan ng mga political party na personal na saksihan ang aktibidad.
Bawat presinto ay gagamit aniya ng 10 orihinal na balota at ang mga sasaksi sa aktibidad ay pwedeng siyang sumubok na gamitin ang mga ito.
Sa final testing and sealing na ito dapat aniya ay zero ang ilabas na resibo ng makina.
Sa oras aniya na maselyuhan na ang mga VCM lalagda ang mga kinatawan ng mga political parties ng form na nagsasaad na ang mga naturang VCM ay walang sira at handa nang gamitin para sa halalan.
Madz Moratillo