Comelec nakipagpulong sa mga opisyal ng Smartmatic
Nakipagpulong na ang mga opisyal ng Commission on Elections sa mga opisyal ng Smartmatic.
Kasunod ito ng alegasyon ng pagkakaroon umano ng breach sa sistema ng Smartmatic.
Sa panig ng poll body, humarap sina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Commissioners George Garcia at Rey Bulay habang sa panig ng Smartmatic ay si dating Commissioner Christian Robert Lim na Legal Counsel na ngayon ng kumpanya at iba pang opisyal nito.
Ayon kay Pangarungan, hinihingi nila sa Smartmatic na isumite sa Comelec ang report kaugnay sinasabing data breach.
Bagamat una nang tiniyak ng Comelec na walang nangyaring hacking at walang impormasyon ang nalagay sa alanganin.
Maliban sa meeting sa Smartmatic, nakipagpulong rin ang Comelec sa mga kinatawan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Citizens’ Movement for Free Elections.
Ito ay para marinig ang mga concern ng mga nasabing election watchdog patungkol sa nalalapit na halalan.Ayon sa Comelec handa silang makinig sa concerns ng ibat ibang stakeholders para masiguro ang honest, orderly at peaceful elections.
Madz Moratillo