Comelec pinaalalahanan ang mga kandidato na tanggalin ang mga campaign materials na hindi nakasunod sa Comelec rules bago magsimula ang panahon ng kampanya

Binalaan ng Comelec ang mga kandidato sa halalan sa Mayo laban sa mga campaign materials ng mga ito na nakasabit na ngayon pero hindi nakatugon sa Comelec rules.

Pinaalalahanan ni Comelec spokesperson James Jimenez ang mga kandidato na bago magsimula ang campaign period ay dapat na baklasin o tanggalin ng mga ito ang mga tarpaulin at iba pang campaign materials kahit hindi sila ang naglagay nito.

Pwede anyang maging batayan sa election offense laban sa mga kandidato ang mga campaign ads na hindi nakasunod sa Comelec rules at wala sa common poster areas.

Sa ngayon ay wala pang kapangyarihan ang poll body na ipaalis ang mga campaign ads.

Pero sa pagsisimula anya ng campaign period para sa mga senador at partylist groups sa Pebrero 12 ay ikakasa ng Comelec ang Oplan Baklas laban sa mga poster at tarpaulin na hindi nakasunod sa sukat na itinakda ng poll body.

Dapat ay 2 feet by 3 feet lamang ang sukat ng mga election campaign materials.

Sa March 29 naman ang simula ng kampanya para sa mga kandidato sa pagiging kongresista at iba pang puwesto sa lokal na pamahalaan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *