Comelec, pinag-aaralan ang muling pagsasagawa ng voting simulation bilang prepasyon para sa halalan sa Mayo
Ilang buwan pa bago ang May 2022 National and Local Elections, pinag-aaralan ng Commission on Elections kung magsasagawa pa sila ng isa pang voting simulation.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, may ilang lugar na ikinukunsidera para magsagawa ng second round ng voting simulation.
Matatandaang unang nagsagawa ng voting simulation ang poll body sa San Juan noong nakaraang buwan.
Ayon kay Jimenez, layon nitong matukoy ang mga posibleng maging problema sa gagawing halalan sa Mayo.
Kumpara sa mga nakaraang halalan kasi, mas maselan ang halalan sa susunod na taon dahil sa banta ng COVID-19.
Titingnan rin aniya ng Comelec kung paano a mas mapapabilis ang proseso ng pagboto at ma-decongest ang bilang ng mga tao sa isang presinto.
Una ng sinabi ng Comelec na ang oras ng botohan sa Mayo ay mula 6am hanggang 7pm.
Madz Moratillo