Comelec, pinag-aaralan ang posibilidad ng pagsasagawa ng Barangay at SK Polls sa Marawi city
Pinag-aaralan na ng Comelec ang posibilidad ng pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City.
Ito ay kasunod ng katatapos lamang na halalan sa buong bansa maliban sa lungsod na biktima ng panggugulo ng Isis-inspired Maute terror group.
Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, may ilang mga dahilan kung bakit hindi nagsagawa ng eleksyon sa Marawi city.
Gayunman ay magsasagawa ng assessment na tatagal ng tatlong buwan upang tingnan kung maaaring magdaos ng halalan sa siyudad.
Sakali anyang wala na ang mga dahilan upang ipagpaliban ang eleksyon ay agad na iiiskedyul ito sa lalong madaling panahon.
============