Comelec sisimulan na ang pag-imprenta ng balota para naman sa plebisito sa Ormoc City
Matapos ang matagumpay na plebisito sa paghati ng probinsya ng Maguindanao, ang plebisito naman sa Ormoc City, Leyte ang aatupagin ng Comelec.
Ayon sa Comelec, ngayong araw ay sinimulan na rin nila ang pag imprenta ng mga balota na gagamitin sa plebisito.
Ito ay para sa ratipikasyon ng pagsasanib ng 28 barangay sa Ormoc City at hatiin ito sa tatlong barangay na lamang.
Ang plebisito ay itinakda sa Oktubre 8.
Kaugnay nyan, lumagda sa isang memorandum of agreement ang Comelec ngayong araw sa National Printing Office para sa paglilimbag ng balota at iba pang accountable forms.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: