Comelec tatanggap ng isusumiteng Statement of Contribution and Expenditure sa Araw ng Kalayaan, June 12
Bagamat holiday bukas, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, tatanggap pa rin ang mga opisina ng Comelec ng mga isusumiteng Statement of Contribution and Expenditure o SOCE.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, hanggang sa Miyerkules na lamang, June 13 ang paghahain ng SOCE ng lahat ng kumandidato sa nakaraang Brgy at Sangguniang Kabataan elections.
Nanalo man o natalo ay kailangan anyang magsumite ng mga kumandidato ng detalye ng kanilang mga ginastos sa pangangampanya.
Mahaharap sa reklamong administratibo at posibleng mapatawan ng panghabambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa pamahalaan ang mga hindi maghahain ng SOCE.
Alinsunod sa batas, ang paghahain ng SOCE ay sa loob ng 30 araw mula nang matapos ang halalan.
Ulat ni Moira Encina