Comelec tiniyak na kaya pa ring maisabay sa Barangay at SK elections ang paghahalal ng ConCon delegates kahit tapos ng mag-imprenta ng balota
Nasa halos 100 porsyento na umano ang preparasyon ng Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Katunayan ay natapos na umano ang pag imprenta ng 91 milyong balotang gagamitin para sa BSKE.
Dahil diyan, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kailangan nilang mag-imprenta ng bagong balota na para lang sa paghahalal ng mga kinatawan sa ConCon.
Pero, mangangailangan aniya sila ng karagdagang P3.8 bilyon para sa pag-iimprenta ng 67 milyong balota, dagdag na honoraria sa mga gurong magsisilbing miyembro ng electoral board at gastos sa training nila.
Una rito, nakapasa na sa Kamara ang economic amendments sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng ConCon.
Madelyn Villar- Moratillo