Comelec tuloy pa rin sa paghahanda para sa Barangay at SK elections sa kabila ng mga panukala para ipagpaliban ito
Habang hindi pa pasado sa Kongreso ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Disyembre 5, tuloy pa rin ang mga ginagawang paghahanda ng Commission on Elections.
Sa inilabas na calendar of activities ng Comelec para sa BSKE, itinakda ang filing ng certificate of candidacy sa October 6 hanggang 13.
Maliban ang October 9 na araw ng linggo.
Itinakda naman ang election period sa October 6 hanggang December 12.
Sa panahon ng election period, bawal ang pagdadala ng armas, paggamit ng security personnel o bodyguards ng mga kandidato, pagtransfer ng mga empleyado kabilang rito ang mga public school teacher, suspensyon ng kahit anong elective, provincial, city o municipal o barangay officer.
Itinakda naman ang campaign period sa November 25 hanggang December 3.
Ang mga kumandidato naman para sa BSKE ay may hanggang January 4,2023 para maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures.
Madelyn Villar – Moratillo