Comelec tuluy-tuloy ang paghahanda sa 2025 elections sa kabila ng petisyon na inihain sa SC laban sa kontrata sa Miru Systems
Hindi magpapagambala ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon na inihain sa Korte Suprema na nagpapabasura sa kontrata na pinasok nito sa Miru Systems sa 2025 Elections
Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na hangga’t hindi sila inaatasan ng Supreme Court na itigil ang paghahanda sa botohan ay tuluy-tuloy lang ang poll body sa trabaho nito.
Aniya, crucial ang preparasyon ng Comelec at kailangang masunod ang timeline dahil parehong lokal at pambansang halalan ang isasagawa sa 2025.
Ayon kay Garcia, handa ang poll body na sagutin ang petisyon laban sa Miru Systems at sundin ang anumang utos ng Korte Suprema.
Nanindigan ang opisyal na walang iligal at dumaan sa maraming pagrepaso ang kontrata sa Miru Systems.
Ayon kay Comelec Chairperson Garcia, “We have nowhere to go but automate the elections so the comelec will do its part in ensuring a credible and honest election yung mga cases that they r filing welcome po sa amin un we will answer them accordingly but but di kami hihinto sa aming preparasyon.”
Moira Encina