Comelec ,umaasang màkukuha ang 4 milyong new Registered Voters para sa May 2022 Elections
Umaasa ang Commission on Elections na makukuha pa rin nito ang 4 million new registered voters para sa May 9, 2022 General elections.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam ng Radyo Agila na as of April 8 ay meron nang 2.8 million na nagparehistro at madadagdagan pa ng 1.2 million mula sa SK.
Samantala, muling inihayag ni Jimenez na suspendido muna ang pagpaparehistro ng mga bagong botante habang umiiral ang Modified Enhanced Community Quarantine na hanggang Abril 30.
Depende din anya kung magkakaron pa ng pagpapalawig.
Màtatandaang bago ang pandemya itinakda ang Voters registration ng Comelec mula January 2020 hanggang September 2021.
Julie Fernando