Comelec wala na raw kredibilidad matapos ang mga naging aberya sa katatapos na May 13 midterm polls ayon kay Cong. Danilo Suarez
Naniniwala ang minorya sa kamara na wala ng kredibilidad ang Comelec matapos ang mga nangyaring aberya sa katatapos na may 13, 2019 midterm polls.
Ayon kay Minority leader at outgoing Quezon Congressman Danilo Suarez, kung mayroon mang dapat managot sa nangyaring failure of elections sa hanay ng party-list groups, ito ay ang Comelec dahil sa pagpapabaya at hindi ang smartmatic.
Ang poll body aniya ang gumastos ng labindalawang bilyong piso para sa procurement ng mga gamit sa halalan habang nasa mahigit isang bilyon lang naman ang ibinayad sa smartmatic.
Si ACTS OFW Rep Aniceto Bertiz naman iginiit na maimbistigahan at makasuhan ang supplier ng pumalpak na SD cards na umabot sa 2,679 na mas mataas sa higit 100 lang noong 2016 elections.
Ito ay para matukoy kung may kredibilidad ang mga naturang supplier at kung may karanasan na ba sa paglahok sa halalan.
Ulat ni Madelyn Moratillo