COMELEC, walang balak isulong ang postponement ng 2017 Barangay at SK elections

Nilinaw ng Commission on Elections na hindi nila isinusulong ang postponement ng 2017 Barangay at SK elections.

Ayon kay Comelec Spokesman  James Jimenez, hangad nila na magkaroon na ng pagpapasiya kung papayag nga ba ang Kongreso na ituloy ang nasabing halalan ngayong taon o hindi.

Ito ang naging paglilinaw ni Jimenez kasunod ng pahayag na inilabas ni Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na nagsasabing “inappropriate” para sa Comelec na isulong ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections.

Iginiit ni Jimenez na simula sa umpisa ay sumusunod lamang ang Comelec sa kung ano ang pasya ng Kongreso hinggil sa nasabing usapin.

Samantala, bagaman hindi pa aniya nakakapagpasya ang Kongreso hinggil sa Barangay and SK elections, patuloy naman ang paghahandang ginagawa ng Comelec para rito.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *