Commercial flights mula sa Kabul nakansela dahil sa mga kaguluhan
KABUL, Afghanistan (AFP) – Nakansela ngayong araw (Lunes) ang commercial flights mula sa Kabul, bunsod ng nangyaring kaguluhan sa paliparan, kung saan libu-libong katao ang naghahanap ng paraan para makalabas sa siyudad na kontrolado na ng Taliban.
Ayon sa mga awtoridad sa Kabul airport . . . “There will be no commercial flights from Hamid Karzai Airport to prevent looting and plundering. Please do not rush to the airport.”
Samantala, sisimulan na mamayang gabi ng France ang paglilikas sa kanilang mga mamamayan mula sa Kabul, para dalhin sa isang base sa United Arab Emirates.
Sinabi ni French defense minister Florence Parly . . . “We are planning to carry out the first rotation between now and the end of rhis Monday.”
Aniya, may ilang dosenang French citizens na kailangang ilikas kasama ng mga taong nasa ilalim ng kanilang proteksyon.
Agence France-Presse