Commission on Human Rights, binatikos ng Malakanyang sa pananahimik sa mga biktimang pinapatay ng mga adik na kriminal
Binatikos ng Malakanyang ang Commission on Human Rights o CHR sa pananahimik sa mga biktima na pinapatay ng mga kriminal na adik.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nakapagtataka ang pananahimik ng CHR matapos mapatay ng adik na holdaper si Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Tanyag ng Ombudsman.
Ayon kay Roque nakarating na kay Pangulong Duterte ang kaso ni Tanyag at isa ito sa dahilan kaya magpapatatag ng radical change sa security measures na ipinatutupad ng pamahalaan.
Inihayag ni Roque maingay lang ang CHR kapag ang biktima ay mga kriminal.
Iginiit ni Roque marapat lamang na lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa mga elementong kriminal na bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan.
Ulat ni Vic Somintac