Commissioner Aimee Ferolino, itinalaga bilang pinuno ng task force kontra bigay
Si Commission on Elections Commissioner Aimee Ferolino ang itinalaga bilang pinuno ng Task Force Kontra Bigay.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Commissioner George Garcia.
Bilang head ng inter agency task force na ito,si Ferolino ang magiging responsable sa mga meeting at pagbuo ng guidelines nito.
Maliban sa Comelec, magiging miyembro ng nasabing task force ang Department of Justice, Presidential Anti Corruption Commission, Department of Interior and Local Government, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Philippine Information Agency.
May motu proprio power din ito kaya kahit walang reklamo pwede nilang imbestigahan agad ang mga alegasyon ng vote buying.
Madz Moratillo