Committee report para kasuhan ang mga opisyal at tauhan ng Immigration na dawit sa Pastillas scheme inaprubahan ng Senado

Kinatigan ng Senado ang Committee report na nagrerekomenda na kasuhan ng kriminal ang 27 mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na dawit sa Pastillas scheme.

Labing isang Senador ang lumagda sa Committee report no. 542, kung saan inimbestigahan ang modus paano mabilis na nakakapasok ang mga dayuhan sa Pilipinas.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng lagay sa mga Immigration officials sa ilalim ng Pastillas scheme at visa upon arrival.

Tinatayang umaabot sa mahigit 40 billion pesos ang umano’y nakuhang kickback ng mga taga immigration sa nabunyag na kalakaran.

February 2020 nang mabunyag ang Pastillas scheme kung saan ang mga dayuhang pinapapasok hindi na dumadaan sa pagbusisi ng immigration kapalit umano ng malaking halaga.

Meanne Corvera

Please follow and like us: