Committee report para sa pagpapatigil ng mandatory testing sa motor vehicles, niratipikahan ng Senado

Inatasan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Office na suspendihin muna ang implementasyon ng kontrobersyal na motor vehicle inspection center testing.

Ito’y matapos kondenahin ng mga Senador ang Department order no. 2018 -019 ng DOTr na nag-uutos para sa mandatory testing.

Ayon sa mga Senador , ang hakbang ng DOTr ay direktang paglabag sa utos ni Pangulong Duterte na huwag gawing mandatory sa mga motorista ang inspection bilang bahagi ng proseso ng car registration.

Niratipikahan naman ng Senado ang Committee report ng public services committee na nagrerekomenda para sa pagpapawalang bisa ng naturang Department order ng DOTr at iba pang permit para sa mga private operators ng mga Motor Vehicle Inspection System O MVIS.

Ayon kay Senador Grace Poe na Chairman ng komite , dapat idaan muna sa legislation at magkaroon ng batas bago ipatupad ang mandatory testing.

Bukod sa kwestyunable ang inspection standards at maling resulta ng mga test result , lumilitaw na hindi transparent ang accreditation ng mga private testing centers.

Meanne Corvera

Please follow and like us: