Common ear, nose at throat diseases ngayong tag init, ‘di dapat na ipagwalang-bahala
Nararamdaman na ang mainit na panahon .
Ayon sa PAGASA, posibleng mas titindi pa ito kung ikukumpara sa mga nakaraang taon dahil pa rin sa umiiral na El Niño.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Department of Health o DOH sa mga sakit na maaaring maranasan kapag tag init.
Kabilang na rito ang heat stroke, kailangang maging hydrated ang katawan sa pamamagitan ng pag inom ng sapat na dami ng tubig.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Rene Louie Gutierrez, head and neck surgeon mula sa East Avenue Medical Center na kabilang pa sa karaniwang sakit kapag summer ay ear infection, pagdurugo ng ilong o balinguynguy at pamamaga ng lalamunan
“Sa lalamunan, siempre kapag iinom tayo ng malalamig na inumin nagkakaroon po ng pamamaga sa ating mga tonsil kumakain po tayo ng mga chocolate noh…huwag ninyong ipagwalang bahala ang mga sintomas, ang inyong nararamdaman at kailangan po nating sumangguni sa ating ENT head and neck specialist.”
Ulat ni Bel Surara