Community pantry ginawang moving pantry
Dahil sa patuloy na epekto ng COVID-19, nagsulputan ang mga community pantry sa iba’t-ibang lugar na nagsimula sa Maginhawa street sa Quezon City.
Kanya-kanya rin ng estilo ang mga nasa likod ng community pantry, kung saan pinakabagong nauuso ngayon ay sinasabayan ng feeding activity ang kanilang community pantry.
Subalit hindi naiwasang nagkaroon din ng negatibong pangyayari kaugnay ng community pantry, dahil sa hindi rin maiwasang pagdagsa ng mga tao.
Kaya naman naisipan ng pamilya Camposagrado ng San Jose Del Monte Bulacan, na sa halip na community pantry ay moving pantry ang gawin, kung saan ang bibigyan nila ng ayuda ay ang mga nasa lansangan.
Ito ay para na rin maiwasan ang pagpila ng maraming tao.
Ulat ni JM Jimenez