Community pantry hindi insulto sa gobyerno – Malakanyang
Kinontra ng Malakanyang ang sinasabi ng mga kritiko ng administrasyon na insulto sa gobyerno ang pagsulpot ng mga community pantry.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang pagkakaroon ng mga community pantry ay nagpapakita lamang na buhay ang bayanihan spirit sa mga pilipino.
Ayon kay Roque lahat ng problema lalo na sa kabuhayan sa panahon ng pagtawid sa pandemya ng COVID -19 ay hindi kakayaning mag-isang solusyunan ng gobyerno dahil kailangan talaga ang tulong ng bawat mamamamayan.
Inihayag ni Roque na totoong hindi sapat ang inilaan ng pamahalaan na ayuda para sa mga mahihirap noong ipinatupad ang Enhance Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang mga community pantry ay naglalayong tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa isang lugar para makatawid sa araw-araw na pangangailangan partikular ang pagkain.
Vic Somintac