Community pantry na sinimulan sa Maginhawa sa Quezon City naging inspirasyon ng marami
Matapos mag-trending sa social media ang Maginhawa community pantry, maraming tao ang nagpaabot ng positibong komento sa nagpasimula nito.
Katunayan, isa ang Meneses family mula sa Barangay Calumpang sa Calumpit, Bulacan ang na-inspire sa community pantry na pinasimulan ni Ana Patricia Non, sa Maginhawa, Diliman sa Quezon City.
Isang mobile community pantry rin ang itinayo ng mag-asawang Jesus at Marie Meneses, sa kanilang lugar.
Hindi pa man nararanasan ng bansa ang pandemya, ay likas na sa mag-asawa ang pagiging matulungin.
Ayon kay Jesus Meneses, nais nilang libutin ang buong barangay ng Calumpit, upang makapag-abot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19.
Kwento ng dalawa, noong una ay marami ang nahihiyang pumila upang kumuha ng pagkain, subalit kalaunan ay nakipila na rin sila.
Ulat ni Jimbo Tejano