Community pantry sa Holy Spirit drive QC, dinumog; Physical distancing, hindi nasunod
Dinumog ng mga residente mula sa ibat-ibang Barangay sa Quezon City ang inilunsad na Community pantry sa Holy Spirit drive sa lunsod.
Katunayan, umabot na sa Commonwealth Avenue sa tapat ng Sandiganbayan ang pila ng mga taong nais makakuha ng ayuda mula sa Community pantry.
May inilagay na listahan ang mga organizers kung ilang kape, asukal at iba pang produkto ang maaari lang nilang kunin.
Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pamamahagi ng pagkain sa naturang Community pantry.
Pero ang problema sabi ng ilang organizers hanggang 300 katao lamang ang bibigyan ng ayuda.
Nahirapan ang mga tauhan ng Barangay na makontrol ang crowd at hindi na nasusunod ang Social Distancing.
May isang lalaki na ang iniulat na nahimatay dahil sa siksikan.
Ayon sa mga otoridad hindi sila naabisuhan na may ganitong kalaking aktibidad ang Community pantry at walang koordinasyon.
Meanne Corvera