Comprehensive sexuality education,dapat daw isama sa academic curriculum
Kasunod ng tumataas na mga kaso ng teenage pregnancy sa bansa, isinulong ni House Committee on Women and Gender Equality Chair Maria Lourdes Acosta-Alba na maisama sa academic curriculum ang comprehensive sexuality education.
Ito ayon kay Alba ay upang mas mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan hinggil sa healthy at responsible sexuality.
Giit ng mambabatas nakakaalarma na amg sitwasyon na ito at hindi dapat na ipagwalang bahala.
Pero paliwanag ni Alba, hindi lang ang mga guro ang dapat na kumilos rito kundi maging mga magulang upang mas maipaunawang mabuti sa kanilang mga anak ang mga bagay na may kaugnayan sa sex education.
Panahon na aniya para baguhin ang kasalukuyang mindset na taboo o hindi ito pinag- uusapan sa mga tahanan, dahil mahalagang maimulat ang kamalayan ng mga kabataan sa mga epektong maaaring idulot nito sa kanila at maging sa kanilang kinabukasan.
Madz Moratillo