Condonation of penalty para sa mga household employer kaugnay ng hindi nababayarang SSS contribution ipinanukala ng isang Senador

Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang condonation ng penalty sa mga hindi nababayarang kontribusyon sa Social Security System ng mga household employer.

Sa inihaing Senate Bill No. 43 ni Estrada, masasakop nito ang may 200 libong household employers sa National Capital Region.

Kasama na rin dito ang lahat ng employers ng tinatayang 1.4 milyong kasambahay sa bansa.

Sinabi ni Estrada na batay sa survey ng Department of Labor and Employment at Philippine Statistics Authority na lumabas noong Oktubre 2019 o anim na taon matapos maging ganap na batas ang RA 10361 o batas kasambahay, 83 porsiyento ng 1.4 milyong kasambahay ang hindi pa rin nakakakuha ng anumang social security benefit.

Sa datos ng SSS noong 2019, nasa mahigit 267 thousand na kasambahay pa lamang ang nakarehistro sa SSS.

Sakaling maging ganap na batas, iminungkahi ni Estrada na ang mga household employer na hindi nag-remit ng kontribusyon sa SSS ay maaaring bayaran ang kanilang pagkakautang o magsumite ng payment plan para sa installment basis sa loob ng anim na buwan.

Sakaling mabigo ang employer na makapagbayad ng kanyang kontribusyon sa loob ng anim na buwang palugit o pumalya sa anumang amortization, maaari ng singilin ang pagkakautang ng employer simula sa pinakaunang kontribusyon na dapat bayaran na naaayon sa Social Security Law.

Samantala, tiniyak ng SSS na hindi naapektuhan ang records ng lahat ng miyembro sa sunog na nangyari sa kanilang tanggapan.

Wala ring mangyayaring interruption sa kanilang serbisyo sa lahat ng branch ng SSS kahit pa sa kanilang online portals.

Meanne Corvera

Please follow and like us: