Confidential at Intel funds para sa tanggapan ng Pangulo, idinepensa
Idinepensa ng Malacañang ang confidential at intelligence funds ng tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos na aabot sa 4.5 billion pesos sa ilalim ng panukalang budget sa susunod na taon.
Sa budget hearing sa Senado sa pondo ng Office of the President, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala naman silang binago sa detalye ng confidental at intel funds na nakalaan sa tanggapan ng Pangulo.
Ganito rin daw ang detalye ng budget kahit sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pondo aniya ay batay lang naman sa pangangailangan ng Internatioal at Domestic security.
Inusisa rin sa pagdinig kung bakit may malaking dagdag na budget para sa travel expenses ng Pangulo.
Pati ang pagpunta ng Pangulo sa Singapore para manood ng Grand prix , nausisa kung personal o kasama sa foreign trip.
Pero sagot ni Bersamin ang pagpunta ng Pangulo sa Singapore ay magkahalong personal at trabaho .
Maraming World leaders at businessmen aniya ang nakausap ng Pangulo sa kanyang pagbisita doon na malaking tulong sa networking ng Pilipinas sa buong mundo.
Pero tanong ni Senador Koko Pimentel saan nanggaling ang funding sa trip ng Pangulo sa Singapore.
Sagot ni Bersamin,inimbitahan ang Pangulo ng Prime minister at hindi na ito inianunsyo dahil sa isyu ng seguridad.
Meanne Corvera