Cong. Teves at dalawang anak, sinampahan ng reklamong illegal possession of firearms sa DOJ ng CIDG
Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na ipinagharap sa DOJ ng PNP-CIDG ng mga reklamong illegal possession of firearms and explosives si Congressman Arnolfo Teves Jr. at dalawa nitong anak.
Ang reklamo ay kaugnay sa mga nakumpiska ng mga otoridad na mga baril at armas sa bahay ni Teves sa Bayawan City.
Nilinaw naman ni Remulla na ang isinilbing search warrants sa mga bahay ng kongresista ay kaugnay sa 2019 killings sa Negros Oriental at hindi sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.
Ayon sa kalihim, isasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ang mga reklamo at bibigyan ng pagkakataon sina Teves na sagutin ang mga ito.
Moira Encina