Congressman Teves humihingi ng asylum sa Timor Leste – Justice Sec Remulla
Nasa Timor Leste umano si suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. at humihingi ng political asylum sa nasabing bansa.
Ito ay batay sa impormasyon na ipinarating ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Justice (DOJ).
Kaya naman ang DOJ sumulat sa DFA para ipabatid sa Timor Leste ang kinakaharap na isyu sa bansa ni Cong. Teves.
“Mr. Teves entered Timor Leste a week ago trying to seek special asylum status in Timor Leste. We have written letter telling Timor Leste that he’s a person of interest in murder cases, he’s being considered for designation for terrorist,” ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.
Batay sa impormasyon mula sa Ambassador ng Pilipinas sa Timor Leste, nasa kapitolyo ng Dili si Teves at naghain ng aplikasyon para sa protection visa na may intent ng asylum.
Ayon naman kay Remulla, wala silang nakikitang political reason para humingi ng asylum si Teves.
Naniniwala ang kalihim na ito ay para lang makatakas ito sa mga pananagutan nito.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov Roel Degamo at siyam na iba pang biktima.
Moira Encina