Congresswoman Janet Garin naglagak ng piyansa sa Sandiganbayan
Naglagak na ng piyansa sa Sandiganbayan si House Deputy Majority Leader Janet Garin.
Ito’y kasunod ng paglalabas ng anti-graft court ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Graft na kinakaharap kaugnay sa re-alignment of public funds para ipambili ng Dengvaxia Anti-dengue vaccine noong siya pa ang kalihim ng Department of Health.
Sa statement, sinabi ni Garin na ang paglalagak ng piyansa sa Korte ay bahagi ng agonizing judicial process para patunayang inosente ang isang akusado.
Dagdag pa ng mambabatas na dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia anti dengue vaccine bumagsak ang tiwala ng publiko sa bakuna kaya dumami ang kaso ng Tigdas at Polio sa bansa.
Kumpiyansa naman ang Kongresista na makakalusot sa kaso sa pamamagitan ng mga scientific study na hindi masama ang Dengvaxia anti dengue vaccine.
Noong 2018, lumabas sa pag-aaral ng University of the Philippines – Philippine General Hospital na 3 sa 14 na kabataang nabakunahan ng Dengvaxia ang namatay sa Dengue sa kabila ng Immunization laban sa sakit.
Hanggang ngayon ay may mga naka-pending pang reklamo ang ilang mga magulang na nagdemanda laban sa Department of Health dahil sa Dengvaxia.
Vic Somintac