Conjoined twins sa Brazil, napaghiwalay sa tulong ng virtual reality
Isang kambal na ipinanganak sa Brazil na magkarugtong ang ulo at utak, ay napaghiwalay sa ayon sa paglalarawan ng mga doktor ay pinaka-kumplikadong operasyon sa uri nito, sa tulong ng virtual reality.
Si Arthur at Bernardo Lima ay isinilang noong 2018 sa estado ng Roraima sa northern Brazil bilang craniopagus twins, isang lubhang kakaibang kondisyon kung saan ang magkapatid ay magkarugtong sa cranium.
Magkarugtong sa ulo sa halos apat na taon na ang malaking bahagi ay ginugol nila sa isang hospital room na may isang custom bed — ang magkapatid ngayon ay maaari nang magtinginan sa mukha ng isa’t-isa sa unang pagkakataon, matapos ang isang serye ng siyam na operasyon na ginawa sa isang marathon ng 23-oras na operasyon para sila ay mapaghiwalay.
Ayon sa paglalarawan ng London-based medical charity na Gemini Untwined, na tumulong sa proseso . . . “It was the ‘most challenging and complex separation to date,’ given that the boys shared several vital veins.”
Sinabi naman ng neurosurgeon na si Gabriel Mufarrej ng Paulo Niemeyer State Brain Institute (IECPN) sa Rio de Janeiro kung saan isinagawa ang procedure . . . “It was the most difficult, complex, challenging surgery of my career. No one believed it was possible at first. Saving them both was a historic accomplishment.”
Noong June 7 at 9, ay inihanda ng mga miyembro ng medical team na kinabibilangan ng halos 100 staff, ang maselang final stages ng operasyon sa tulong ng virtual reality.
Gamit ang brain scans para makalikha ng isang digital map ng magkarugtong na cranium ng kambal, nag-practice ang mga siruhano para sa procedure sa isang trans-Atlantic, virtual-reality trial surgery na kapwa ginawa sa Britain at Brazil.
Tinawag ng British neurosurgeon na si Noor ul Owase Jeelani, ang lead surgeon para sa Gemini Untwined, ang preparation session na isang . . . “space-age stuff.”
Aniya . . . “It’s just wonderful, it’s really great to see the anatomy and do the surgery before you actually put the children at any risk. To do it in virtual reality was just really man-on-Mars stuff.”
Sa inilabas na mga larawan at video ng medical staff ay makikita ang magkapatid na nakahigang magkatabi pagkatapos ng surgery, kung saan tinatangkang hipunin ni Arthur ang kamay ng kaniyang kapatid.
Sinabi ni Mufarrej na nasa recovery stage pa ang magkapatid, at maaaring kailanganin ng dagdag pang procedures habang sila ay nade-develop ayon sa mga doktor. Nahihirapang magsalita ang kambal, at si Bernardo ay may motor deficit sa kaniyang right-hand side.
Aniya . . . “They will take some time to get to the point where we want them to be. But I believe in them.”
© Agence France-Presse