Construction project ng pamilya Villar sa Boracay, ipinatigil na
Tiniyak ni Senador Cynthia Villar na ipinatigil na ang kontruksyon at developments sa Costa Vista, isang condominium project na pag-aari ng kaniyang pamilya sa Boracay.
Sa harap ito ng mga batikos na pinatag at kinalbo ang bundok sa Barangay Yapak sa Boracay Island para tayuan ng condominium.
Sa isang pahayag, iginiit ni Villar na bago pa man isara ang Boracay noong Abril, ipinahinto na ang trabaho sa ginagawang sementadong daan patungo sa shoreline.
Bilang public servant at chairman ng Senate Committee on Environment and Natural resources, sinabi ni Villar na seryoso sya sa kampanya na protektahan ang kalikasan kasama na ang rehabilitasyon sa Boracay.
Mananaig aniya ang kaniyang tungkulin bilang mambabatas at hindi ang interes o negosyo ng kaniyang pamilya.
Senador Villar:
“I would like to reiterate and stressed that all developments in our Boracay investment have long stopped.. As a public servant and chairperson of the Senate committee on environment and natural resources, I remain committed to protecting and preserving the country’s natural riches especially the efforts to rehabilitate Boracay. My duty to our nation is primary and is above and separate from my family’s business interests”.
Ulat ni Meanne Corvera