Consumer confidence, bumuti sa Q1 ng 2023 – BSP
Mula sa -14.6% sa 4th quarter noong 2022 ay naging -10.4% sa 1st quarter ng 2023 ang overall confidence index ng mga konsyumer sa bansa.
Batay ito sa Consumer Expectations Survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula Enero 19 hanggang Enero 31, 2023 sa nasa 5,000 kabahayan.
Ayon sa BSP, tumaas ang bilang ng mga kabahayan o household na may optimistikong pananaw bunsod ng mas maraming available at permanenteng trabaho, mas mataas na sahod at remittances, pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa at pagbangon ng mga negosyo matapos ang pandemya.
Ayon pa sa survey, nananatiling optimistiko ang consumer sentiment sa susunod na 12 buwan.
Bumaba naman pero positibo pa rin ang consumer index para sa 2nd quarter sa 7.5% mula sa 9.5%.
Moira Encina