Contact Tracing sa Bontoc Mt. Province, paiigtingin dahil sa kaso ng UK variant ng Covid-19
Inatasan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang lokal na pamahalaan ng Bontoc, Mountain Province na palakasin ang contact tracing para matukoy ang carrier ng United Kingdom variant ng Covid-19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tutulong ang IATF sa lokal ng pamahalaan ng Bontoc upang mahanap ang nakahawa sa 12 residente doon na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 batay sa resulta na inilabas ng Philippine Genome Center.
Ayon kay Roque mahalaga na makontrol ang pagkalat ng UK variant ng COVID 19 sa Bontoc Mountain Province dahil sinasabing mabilis itong makapanghawa.
Ginawa ni Roque ang pahayag matapos animin ng mga local Health workers sa Bontoc Mountain Province na hindi pa natutukoy ang carrier ng UK variant ng COVID-19 sa naturang lugar.
Vic Somintac