Contempt order na inisyu laban kay Sheila Guo, binawi na ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations

Photo: net25.com

Binawi na ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations, ang contempt order na inisyu laban kay Sheila Guo, ang kapatid ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagpapatuloy nang pagdinig ng senado sa isyu ng illegal POGO operations, sinabi ng chairman ng komite na palalayain na si Sheila Guo sa pagkaka-detain sa senado at iti-turn over na siya sa kustodiya n Bureau of Immigration (BI).

Si Sheila ay kinasuhan ng BI dahil sa pagpapanggap bilang Pilipino.

Sa nauna nang pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI), sinabi nitong batay sa kanilang fingerfrint analysis, tumutugma ang fingerprint ni Sheila sa Chinese national na si Zhang Mier.

Binasa naman ni Sen. Bato dela Rosa ang statement ng grupo ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP), laban sa sinasabi nilang mapanirang statement ni PAGCOR official dating AFP Brig. Gne. Raul Villanueva.

Sen. Ronald “Bato” dela Rosa / Photo: Senate of the Philippines

Partikular na rito ang umano’y pagtanggap ng monthly payola sa POGO operations at posiblengpagtulong umano para makatakas ang magkakapatid na Alice, Sheila AT Wesley Guo.

Sabi ni dela Rosa, para sa transparency, dapat ay pangalanan ni Villanueva ang tinutukoy nito na dating PNP chief at kung hindi totoo ang impormasyong ito, dapat ay mag-public apology siya sa mga retired PNP chief.

Aniya, “In the interest of transparency, he should identify the rogue former chief to clear the names of those not involbed. If the information turns out to be false after validating the report, we demand a public apology from the same office.”

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *