Content provider ng Globe, tinanggalan ng prangkisa ng NTC dahil sa nakaw na load

 

Tuluyan nang kinansela ng National Telecommunications Commission o NTC ang prangkisa o certificate of registration laban sa got deals mobile incorporated, isa sa mga content provider ng Globe telecom dahil sa mga kaso ng nakaw na load.

Ito ang kinumprma ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology kaugnay ng mga reklamo laban sa hidden charges at mga nawawalang load ng mga Prepaid subscribers.

Ayon kay Cabarios, ibinatay nila ang desisyon sa sangkatutak na reklamo sa ntc na umaabot na sa mahigit apat na libo.

Isa aniya sa naghain ng reklamo ang subscriber na si Freanne Mauricio matapos siyang patawan ng limang piso ng globe maraming beses kada araw na tumagal ng halos isang buwan sa hindi malamang serbisyo.

Inatasan na rin aniya nila ang globe na magpatupad ng mga hakbang para hindi na maulit ang mga katulad na insidente.

Kasabay nito, pinatitiyak ng ntc sa lahat ng mga Telcos na dapat may dalawang opt-in confirmation sa subscribers hinggil sa kanilang mga promos at hindi ito dapat basta na lamang kinakaltas sa load.

Oobligahin na rin silang magpadala ng advisory hinggil sa kanilang load balance araw-araw para malaman ng mga consumers kung legal ba ang ginagawang pagkaltas ng mga Telcos.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *