Conversion ng Manuel L. Quezon University sa Maynila bilang Quarantine facility, natapos na ng DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang conversion ng Manuel L. Quezon University sa Quiapo, Manila bilang isang Quarantine facility.
Ayon kay DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar, ang bagong tapos na MLQU facility ay mayroong 60 bed capacity na makakatulong para tugunan ang bilang ng Covid-19 cases sa Maynila.
Ang MLQU Isolation Facility ay mayroong 1 radiology room, 2 nurse stations, at 4 na comfort rooms para sa mga Medical frontliners at mga pasyente.
Ayon kay Villar dahil sa online learning system naman ang pinaiiral ngayong school year ang mga available na school building ay tinitignan nila upang maikonvert bilang isolation facility.
Ang pagconvert kasi ng existing building ang pinaka mabilis na paraan para madagdagan ang Covid-19 facilities.
Ito ay upang matugunan aniya ang demand ng mga Healthcare facilities upang ma- contain ang pagtaas ng Covid-19 cases.
Madz Moratillo