Conversion ng mega quarantine facility sa Zamboanga City,nakumpleto na ng DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang conversion ng old Zamboanga Convention Center sa Pasonanca, Zamboanga City upang maging mega-quarantine facility.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang mega-quarantine facility na ito ay may 188 bed capacity at kayang mag-accommodate ng mga asymptomatic at moderate COVID-19 patients.
Matapos makumpleto ang conversion ng pasilidad agad naman itong itinurn over ng DPWH sa Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga City.
Inaasahang makakatulong ito para mapalakas ang kapasidad ng Zamboanga City sa pagtugon sa COVID- 19 patients sa kanilang lugar.
Picture courtesy: PGH
Nabatid na umabot na sa 733 units ng COVID-19 facilities na may 27,113 beds sa buong bansa ang naitayo ng DPWH.
Kabilang na rito ang mga quarantine/isolation facilities, 51 off-site dormitories at modular hospital.
Madz Moratillo