Conversion ng Philippine Sports Arena o ULTRA sa Pasig City bilang Covid-19 facility natapos na – DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos ng Philippine Sports Arena o ULTRA sa Pasig City bilang karagdagang health facility para sa Covid-19 patients.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang 132 bed “We Heal as One” center ay natapos sa loob lang ng tatlong araw na sinimulan nito lamang Abril 15.
Mayroon itong mga hospital beds at dalawang nurse stations.
Samantala, ang tatlong mega tents naman aniya sa Philippine Arena complex sa Ciudad de Victoria sa Bulacan ay isinailalim sa disinfection process bilang paghahanda sa modification works sa Quarantine center na sisimulan naman sa Lunes, Abril 20.
Ulat ni Madz Moratillo