Convicted rapist, murderer at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, hindi kwalipikado na makinabang sa Good Conduct Time Allowance Law- Malakanyang
Tahasang sinabi ng Malakanyang na hindi kuwalipikado na makinabang sa Repuclic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law si convicted rapist murderer at dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maliwanag ang letra ng batas sa Good Conduct Time Allowance na ang mga nahatulan ng hukuman na gumawa ng karumaldumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi puwedeng makinabang sa binababanggit na batas.
Ayon kay Panelo suportado ng Malakanyang ang Department of Justice sa inilabas na direktiba na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections sa mga convicted criminals na isasailalim sa ebalwasyon para makinabang sa Good Conduct Time Allowance Law.
Inihayag ni Panelo na handang sundin ng Executive Department ang letra at espiritu ng batas kung sino ang kuwalipikado at hindi kuwalipikado sa Good Conduct Time Allowance Law.
Nauna ng niliwanag ng Korte Suprema na binigyan lang ng hudikatura ng interpretasyon ang Implementeng Rules ang Regulation o IRR ng Good Conduct Time Allowance Law na dapat retroactive ang implentasyon ng batas sa mga kuwalipiladong convicted criminals at ang pagbabago sa nasabing batas ay nasa kamay ng Kongreso samantalang ang implementasyon ay pananagutan ng Ehikutibo.
Ulat ni Vic Somintac