Convoy protesters sa New Zealand, nangakong mananatili hangga’t kinakailangan
Nakipagtalo sa mga pulis sa labas ng parliament building ang New Zealand anti-vaccine mandate protesters, habang nangako naman ang mga demonstrador na magka-kampo sila sa loob ng legislature grounds ng Wellington hangga’t kinakailangan.
Ang protesta na nagsimula nitong Martes na itinulad sa “Freedom Convoy” ng Canadian truckers, ay binalot ng tensiyon nang i-deploy ang halos 100 tauhan ng pulisya para bantayan ang parliament building.
Marami sa mga sasakyang humarang sa mga kalsada ng central Wellington ay nagsi-alisan na ngayong Miyerkoles, subali’t ang ilang daang masigasig na protesters ay nagtayo pa ng mga tent ay tumangging umalis.
Tatlo ang inaresto makaraang tangkaing lumusot sa police line, subali’t ayon sa mga opisyal ang event sa pangkalahatan ay namamalagi namang payapa.
Ayon sa mga opisyal . . . “Police will… continue to monitor activity recognising that people have a right to peaceful protest.”
Wika naman ng taga Auckland na si Sel Currie . . . “I have no plans to leave the capital. We’re here as long as it takes,” he said. “It feels very intimidatory here today, it feels like the police are trying to incite violence but it won’t come from us.”
Isang “Freedom Convoy” ng mga truckers ang nakaharang sa Ottawa, kapitolyo ng Canada simula noong isang buwan, sanhi para mag-deklara na ng isang state of emergency ang mga awtoridad ng lungsod.
Requirement sa New Zealand ang mandatory Covid vaccinations para sa mga taong nagtatrabaho sa mga sektor gaya ng health, law enforcement, education at defence, kung saan ang mga tatanggi ay patatalsikin sa trabaho.
Ang isang proof of vaccination ay kailangan ding ipakita para makapasok sa mga restaurant, sports event at religious services.