Cool ka lang!
Cool Ka Lang
May iba ibang emosyon tayong nararamdaman, isa na dito ang galit o “Anger”sa english.
Ito ay normal na nararamdaman, healthy subalit pagsumobra, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang ating pamilya, relasyon, trabaho.
Nang makakuwentuhan natin noon sa programang TAUMBAHAY (NET 25) si Emischalle Noschalle, isang registered Psychologist, sinabi niyang mahalagang nababantayan ang emosyon o galit dahil puwedeng makaapekto ito sa ating katawan o kalusugan, dahil puwedeng tumaas ang presyon ng dugo dahil sa galit.
Mahirap din aniya kung nakaapekto sa pang araw-araw na buhay. Sa konting pagkakamali ng kasama, galit na agad. Kaya nga apektado ang relasyon sa pamilya o social life.
Dito pumapasok ang importansya ng “ANGER MANAGEMENT”, dahil sa pamamagitan nito maaring makontrol ang galit at maiwasan ang “physical effect”.
Banggit pa ni Ms. Emischalle Noschalle, mahalagang naipapahayag o nakakapag-express assertively. Kung assertive, Alam mo kung ano ang nararamdaman mo at naaanalyze ito, kapag “Aggressive”‘ kasi, wala kang pakialam kung sino man ang nasigawan o kinagalitan mo, basta nailabas mo ang galit mo.
Importante aniya na malaman ang pinanggagalingan ng galit at ma-address ito.
Paalala ni Ms. Emischalle, mahalaga ang “timing”. Halimbawa, si mommy kapag magalit sa anak, isipin kung tama ba ang lugar kung saan mo kagagalitan ang iyong anak, tama ba ang pananalitang gagamitin mo?
Sa mag-asawa naman, kapag parehong mainit ang ulo, pakalmahin muna ang damdamin.
Sa mga napagbubuntunan naman ng galit, itanong sa sarili, reasonable ba kaya ka nakagalitan at kung sasabatan mo ba ang galit ay mas magiging healthy at maayos ba ang komunikasyon ninyo? Kung sa tingin ay hindi, mas mabuting bigyan na muna siya ng panahon, espasyo, saka kayo magusap kapag “okay” na ang sitwasyon.
Sana nakatulong ang ibinahagi namin ito sa inyo mga kapitbahay, hanggang sa susunod na araw, Magandang Araw!