Coronary Artery Heart disease, mahahadlangan ng Calamansi habit – ayon sa pag-aaral
Sa Pilipinas, mataas ang insidente o kaso ng mga Filipinong Hypertensive o mataas ang presyon ng dugo.
Marami din ang dinadapuan ng tinatawag na Coronary Artery Heart disease o ang sakit kung saan nagiging makipot o barado ang daloy ng dugo papunta sa puso.
Ayon kay Dra. Imelda Edodollon, Medical Director ng Holistic Integrative Care Center o HICC, nagiging sanhi ng kakapusan sa supply ng oxygen sa mga kalamnan ng puso kapag nagbara o naging makipot ang daluyan ng dugo papunta sa puso.
Sinabi ni Edodollon na may malaking maitutulong ang pag inom ng kinatas na purong calamansi.
Dra. Imelda Edodollon, Medical Director, HICC
“So pag kapag ganyan calamansi habit ….pure calamansi in the morning take natin obserbahan po ninyo kapag araw araw nating ginagawa sa loob ng anim na buwan. Kasi po ung hypertension yun po unti tunting bumababa… yun pong pagbabara sa ugat unti unting na re reverse ho…. ang dami pong pag aaral po nyan ….if you do at least mga 7 to 35 pieces of calamansi in the morning and for a prolonged period of time you get at least around 1000 milligrams of natural vitamins that will reverse or declogged the arteries that will reverse and declogged the blockages in the heart… in the feet …in the legs maganda pong gamit yung ating natural na Vitamin c”.
Dagdag pa ni Edodollon, mahalagang dagdagan ang intake ng Vitamin c na makukuha sa citric fruits dahil makatutulong ito sa pagpapanatiling malakas ng immune system ng katawan.
Ulat ni Belle Surara