Coronavirus restrictions, babawasan sa walong estado ng Malaysia
KUALA LUMPUR, Malaysia (AFP) – Babawasan ng Malaysia ang coronavirus curbs para sa mga fully vaccinated, sa halos kalahati ng mga estado sa bansa.
Ang hakbang na magkakabisa sa Martes, ay magbibigay pagkakataon sa milyun-milyong katao na makatawid sa district borders, makapaglaro ng individual sports, at makakain sa restaurants sa walong estado ng Malaysia kung saan ang mga kaso ay bumaba na.
Sinabi ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin. . . “More people are receiving complete vaccinations..the burden on the public health system will reduce. More economic and social sectors can be opened up in stages, and we can get out of this pandemic (in a) more orderly and safely (manner).”
Inanunsyo rin ng pamahalaan, na pagagaangin ang restriksyon para sa mga reaidenteng fully vaccinated na saan mang estado sila naninirahan.
Sa kabila ng mabagal na vaccine rollout, ang Malaysia ay nakapagbibigay ng 400 libong bakuna kada araw, isa sa pinakamabilis sa Southeast Asia region.
Agence France-Presse