Coronavirus vaccine na Sinovac, dumating na sa Tuguegarao City
Dumating na nitong Biyernes, Marso 5, 2021 ang 10,800 doses na COVID-19 vaccine, na dineveloped ng Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac Biotech.
Lumapag ang eroplanong may dala nito sa Tuguegarao City airport, na sinalubong ng mga lokal na opisyal na kinabibilangan ni City Mayor Jefferson Soriano, DOH Regional Director Dr. Rio Magpantay, CVMC Chief of Hospital Dr. Glenn Baggao, OCD Director Harold Cabreros, Region 2 IATF Chairman Jonathan Leusen, City Health Officer Dr. james Guzman, Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina at ng PNP.
Kabilang sa priority groups na unang babakunahan ay ang health workers ng Tuguegarao City People’s General Hospital at Cagayan Valley Medical Center, na may pinakamaraming bilang ng na-admit na pasyente na positibo sa coronavirus.
Ang mga bakuna ay inilagak sa DOH Region 2 Cold Storage Facility, kung saan inaasahang sisimulan ngayong araw, Marso 6, 2021 ang pagbabakuna.
Ulat ni Nhel Ramos